Monday, 25 November 2019

Kasaysayan ng APGIS



Ang A.P.Guevara integrated school na dating kilala bilang A.P GUEVARA elementay School  ay may sampung taon na mula noong ito ay maaprubahan na maging integrated school noong ika-27 ng Hulyo  taong 2008.  Marami ang nagtaguyod at nagpursigi upang magkaroong ng Sekondarya ang paaralang sa pamumuno ni Myrna F. Tablizo-  dating   Punung-guro , kasama ang  opisyales ng mga Barangay,  stakeholders ,  mamamayan, magulang at kagustuhan ng mga mag-aaral para makapagtapos  ng kanilang pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.
Batay sa School Improvement Plan ( SIP )  , 
ang A.P Guevara   Elementary  School ay nag simula bilang Community School  noong taong taong 1949. Kaya ito ay mayroon ng apat na pu’t siyam na taon nang nagsisilbi bilang institusyon.  Ang nasabing paaralan ay matatagpuan sa pamayanang rural ng Manambong Norte,  na may layong limang Kilometro ( 5km )  mula sa bayan ng Bayambang.  Ito ay may kabuuang   laki  o sukat na tatlumput apat na libo dalawang daan labing-walo metro kwadrado (  34, 218  sq.m. ) .  Ang lupang ito ay ipinagkaloob ni  G.  Asuncion   Palma  na dating may-ari ng Hacienda Guevarra  .  Kaya  bilang parangal sa  sa kanya ang pangalan ng paaralan ay isinunod s kanyang  pangalan.
Sa  kasalukuyan ang A.P Guevara Integrated  School  ay may kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa Kindergaten  hanggang   Grade 11 na 478 na nagmumula sa 5 kalapit na  Barangay,  ito  ay ang   Manambong Parte,  Manambong  Norte, Manambong Sur,  San Gabriel  2nd  Paragos at Iton. 
Sa ngayon  ang paaralan ay binubuo ng  dalawampu’t limang ( 25 )  guro,  kabilang na ang Punong – guro at Ulong-guro.

No comments:

Post a Comment